Quantcast
Channel: Nation – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 161

Restoration sa Rizal Shrine sa Dapitan city, isasagawa ng National Historical Institute of the Philippines

$
0
0

Ang paggunita ng ika-153 taong anibersaryo sa ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal sa Dapitan City (UNTV News)

ZAMBOANGA DEL NORTE, Philippines – Muling sinariwa ng mga taga-Dapitan ang mga  magandang alaala ni Dr. Jose Rizal.

Ipinagdiriwang ngayong araw ang ika-isaandaan at limamput tatlong kaarawan ng ating pambansang bayani.

Sa Dapitan ipinatapon  si Rizal ng pamahalaang Kastila noong 1892 dahil sa paglaban sa mga prayle.

Sa loob ng apat na taong pananatili sa Dapitan, marami siyang nagawa para sa komunidad tulad na lamang ng paglalagay ng water system.

Kaugnay nito ay magsasagawa ang National Historical Institute of the Philippines (NHI) ng restoration sa Rizal Shrine sa Dapitan para mas lalong maging kaakit-akit sa mga lokal at dayuhang turista.

“Perhaps later this year because our project is already in the bidding stage, there will be a lot of development there. First phase will civil works that will upgrade our facility and second phase would be to including to safeguard the area, like for example the repair of the seawall”, pahayag ni Rizal Shrine Curator Gabby Cad, NHI

Dapitan City.

Suportado naman ng lokal na pamahalaan ng Dapitan ang proyekto ng National Historical Institute.

“We wanted it to stay simple as it was made originally by Rizal”, ani Vice Mayor Rubin Cad, Dapitan City.

Samantala, ipinagmamalaki ng mga Dapitanun ang apat na taong pamamalagi ni Rizal sa kanilang bayan. Nakilala ang Dapitan sa buong mundo dahil kay Rizal.

“Nang pumunta siya sa ilang lugar dito, nakadiskubre siya ng tatlong species ng animals. Yung drakorizali na hindi pa nadiskubre ng ibang tao noong unang panahon”, saad ni Kim Erquita na isang estudyate ng Jose Rizal Memorial State University.

Samantala, pinangunahan naman ng mga opisyal ng lokal at pamahalaang panlalawigan ng Laguna ang pag-aalay ng bulaklak sa apat na bantayog ni Dr.Jose Rizal sa Calamba, Laguna kaninang umaga.

Ngayong araw din ipinagdiwang ang Buhayan Festival na ang konsepto ay tumutukoy sa mga buhay na bayani.

“Dapat i-focus natin ngayon tayo. Pwede tayong maging bayani. Hindi kailangan tayong magpabaril sa Luneta o mamamatay. We are the leaving heroe. We have to live like heroes. Ipakita natin na tayo ay isang mabait na tao”, ayon kay Mayor Timmy Chipeco ng Calamba City.

Agaw pansin din ang mga Rizal look-a-like na kinagiliwan ng mga local tourist na dumagsa sa bahay ni Rizal.

“Sapul pa pagkabata ko, idol kasi ng nanay ko si Rizal tapos yung ginagawa saking pagsusuklay ng buhok laging kahawig ni Rizal,” ani Jose Neri  na isa sa mga Rizal look-a-like. (Dante Amento, UNTV News)

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 161

Trending Articles