Quantcast
Channel: Nation – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 161

P85 na umento sa sahod sa mga manggagawa sa Metro Manila, ihihirit ng TUCP

$
0
0
Trade Union Congress of the Philippines (TUCP)

Trade Union Congress of the Philippines (TUCP)

MANILA, Philippines – Maghahain ng petisyon ngayong araw ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa National Wages and Productivity Commission (NWPC) upang hilingin ang pagpapatupad ng umento sa sahod.

Hihilingin ng TUCP ang 85-pesos na dagdag sa sweldo ng mga manggagawa sa Metro Manila.

Giit ng grupo, hindi na sapat para sa pang-araw araw na pangangailangan ng isang pamilya na may anim na miyembro ang umiiral na P466 na daily minimum wage sa Metro Manila.

Dagdag pa ng grupo, patuloy nang tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo bukod pa sa nakaambang pagtaas ng singil sa pasahe, matrikula at kuryente. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 161

Trending Articles