Quantcast
Channel: Nation – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 161

Batingaw application, inilunsad ng NDRRMC

$
0
0

Isang Android phone user ang nagba-browse ng Batingaw application (UNTV News)

MANILA, Philippines — Isa ang Pilipinas sa mga bansang madalas na tamaan ng kalamidad, katulad na lamang ng Bagyong Yolanda, 7.2 magnitute na lindol sa Bohol at halos isang linggo pa lamang ang nakakalipas ay ang  pananalasa ng Bagyong Glenda.

Kaya naman isang mobile application ang inilunsad kahapon ng Office of the Civil Defense at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang Batingaw mobile application.

Layunin nito na maihanda ang publiko sa panahon ng kalamidad.

Sa pamamagitan ng Batingaw application, mas mapapabilis  ang pag-monitor ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan ang mga lugar na sinalanta ng kalamidad, tulad ng bagyo, lindol, mga pagbaha, sunog at iba pa.

Bukod ditto, maaari rin na makapagbigay ng impormasyon ang isang user sa pamamagitan ng pagpo-post ng mga larawan o di kaya ay pagbibigay ng comments o status upang mabilis na makaresponde ang mga ahensya ng gobyerno sa mga lugar na nangangailangan ng tulong.

Makikita rin dito ang iba’t-ibang safety features tulad ng safety tips kung anu-ano ang mga dapat na gawin bago, pagkatapos at sa habang nagaganap ang isang kalamidad.

Mayroon din itong map locator na magtuturo sa kinaroroonan ng pinakamalapit na evacuation centers, mga ospital at iba pang ahensya na makatutulong sa tuwing may sakuna.

Nakasaad din dito ang mga emergency contact numbers ng Philippine National Police, MMDA, Meralco, Bureau of Fire Protection, at maging mga rescue team ng mga local government units.

Bukod sa siren button, mayroon din itong flashlight, internet radio, compass at iba pang features.

Ngunit ayon kay NDRRMC Executive Director Undersecretary Alexander Pama, sa ngayon ay available pa lamang ang application sa mga lugar na mayroong internet connection.

“Ang main target natin muna natin initially ngayon yung mga nandito sa metro manila at sa ibang mga lugar. Ibig sabihin cellphone iyan, hindi kailangan yung taong mismong nandun. Eh kung mawawalan siya ng signal or internet connection na hindi nya maaccess ang signal kung alam nya ang capability ng batingaw, sigurado may friend to.”

Sa mga nagnanais na mag-download, pumunta lamang sa Google Play Store para sa mga android phone users o di kaya sa App Store para naman sa mga iPhone users at i-search ang Batingaw app. (Joan Nano, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 161

Trending Articles