Quantcast
Channel: Nation – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 161

Pamamahagi ng Moses Tablet sa mga barangay sa buong bansa, inihahanda na matapos itong masubok sa lungsod ng Marikina

$
0
0

Department Of Science and Technology’s MOSES Tablet (UNTV News)

MARIKINA CITY, Philippines — Sa Marikina, 16 na MOSES tablet ang ipinamahagi ng Department Of Science and Technology (DOST) upang magamit sa panahon ng kalamidad.

Nais ng DOST na masubok ang kapasidad MOSES tablet sa panahon ng pananalasa ng malalakas na bagyo.

Nasubok at nagamit ang MOSES tablet nito lamang nakaraang pananalasa ng Bagyong Glenda.

Ang MOSES tablet ay isang aparato na mas mabilis na maipararating ang mahahalagang impormasyon kapag may  malakas na bagyo

Ngayong linggo, pupulungin ng DOST ang 16 na barangay upang malaman kung naging epektibo ba ang MOSES tablet.

Sa naging karanasan ng Marikina City Disaster Risk Reduction and Management Office (MCDRRMO), malaki ang naging tulong nito sa kanila.

“Effective siyempre kasi isang text blast mo lang, lahat ng barangay na meron nun, na re-received yung information,” saad ni MCDRRMO Chief Dr. Val Barcinal.
 
Isa ang Barangay Tumana sa pinakamalapit sa ilog ng Marikina, sila ang unang naaatasan na magbato ng impormasyon gamit ang MOSES tablet sa panahon na tumataas ang tubig sa ilog.

Sa kanilang paggamit ng aparato, nakita nilang mayroon pang maaaring maidagdag dito.

“Koneksyon patungo sa internet, sana mas mabilis tsaka maging mas tama at yung bilis ng pag-uusap na meron ang tablet kagaya ng sa barangay hanggang sa city hall hanggang sa national department sa DOST,” pahayag ni Brgy. Tumana Captain Zifferd Ancheta.

“Siyempre yung quality, yung water proof niya, alam natin na sensitive pa siya sa isyu ng tubig,” dagdag nito.

Ngayong buwan, matatapos ang ebalwasyon sa MOSES tablet at ibabatay sa sasabihin ng mga unang gumamit nito kung may dapat pang baguhin sa aparato ay gagawin ng DOST bago ito ipamahagi sa mga barangay sa buong bansa. (Mon Jocson, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 161

Trending Articles