Quantcast
Channel: Nation – UNTV News
Viewing all 161 articles
Browse latest View live

Pagsapit ng Jesse M. Robredo Day, pinaghahandaan na

$
0
0
FILE PHOTO: Ang puntod ng yumaong kalihim ng Department of the Interior and Local  Government na si Jesse M. Robredo. (ALLAN YANGA MANANSALA / Photoville International)

FILE PHOTO: Ang puntod ng yumaong kalihim ng Department of the Interior and Local
Government na si Ginoong Jesse M. Robredo. (ALLAN YANGA MANANSALA / Photoville International)

CAMARINES SUR, Philippines — Labing apat na araw mula ngayon ay ipagdiriwang ng mga Bikolano partikular ng mga Nagueño ang Jesse M. Robredo Day.

Ito ang unang taong paggunita sa pagkawala ng isa sa mga kinokosiderang Bikolano pride na dating kalihim ng Department of Interior and Local Government na si Jesse Robredo.

Matatandaan noong August 18, 2012 nang bumagsak ang sinasaksakyan ni Sec. Robredo na piper seneca plane sa pagitan ng Ticao Island at Masbate City na 200 kilometro ang layo sa pampang.

Ngayon pa lamang, nakakasa na ang mga programa na gagawin sa Jesse Robredo Day na pangungunahan ng kanyang naiwang asawa na si 3rd District Representative of Camarines Sur. Atty Leni Robredo kasama ang tatlo nitong mga anak

Anchor  bago pa man dumating ang takdang araw plano ni Atty. Leni na umikot sa mga huling lugar na pinuntahan ng kanyang asawa bago nangyari ang trahedya.

Kabilang sa mga bibisitahin ng kongresista ang pamilya ng piloto ng eroplano na si Capt. Jesup Bahinting na kasama sa nasabing aksidente.

Pagkatapos sa Cebu City agad itong tutungo sa Masbate City kung saan nangyari ang plane crash. (ALLAN MANANSALA / UNTV News)


Freedom forum, isasagawa kaugnay sa talamak na human trafficking

$
0
0
(RIGHT) International Justice Mission Director Atty. Andrey Sawchenko (UNTV News)

(RIGHT) International Justice Mission Director Atty. Andrey Sawchenko (UNTV News)

MANILA, Philippines — Magsasagawa ng freedom forum ang multi sectoral groups kaugnay sa talamak na human trafficking sa iba’t ibang bansa.

Layunin ng forum na mailatag ang operational procedures ng global movement para sa mga naging biktima ng slavery, sexual exploitation at iba pa.

Batay sa datos ng human rights agency na International Justice Mission (IJM), nasa dalawamput pitong milyon na ang naitatalang kaso ng human trafficking sa buong mundo.

Ayon kay IJM Director Atty. Andrey Sawchenko, isa ang human trafficking sa itinuturing na malaking problema sa kasalukuyan sa buong mundo kasama na dito ang Pilipinas.

Isasagawa ang naturang forum sa darating na Setyembre 5, 2013 (Huwebes).

Nakapaloob din dito ang mga workshop at panel discussion na pangungunahan ng mga eksperto. (Francis Rivera / Ruth Navales, UNTV News)

Japan, suportado ang Pilipinas na mapayapang maresolba ang territorial dispute sa West Philippine Sea

$
0
0
Google Maps: West Philippine Sea

Google Maps: West Philippine Sea

MANILA, Philippines – Ilan buwan makalipas ang pagbisita ng Japanese Defense Minister Itsunori Onodera, nag-courtesy call naman kay Defense Secretary Voltaire Gazmin ang Minister in charge of Ocean Policy and Territorial Issues ng Japan na si Ichita Yamamoto.

Sa pag-uusap ni Yamamoto at Gazmin, isa sa kanilang natalakay ang problema ng dalawang bansa kaugnay sa agawan sa teritoryo.

Kasalukuyang nahaharap sa isyu ng agawan ng teritoryo ang Pilipinas sa China at iba pang bansa sa Asya partikular sa West Philippine Sea.

Bukod sa Pilipinas, may territorial dispute din ang Japan at China sa Senkaku Island.

Ilang punto ang napagkasunduan ng Defense Secretary at Japanese Minister sa kanilang pulong.

“Shared view any country not changed status quo by force. Rule of law must remain. And we cooperate to send a strong message to int’l community,” ani Yamamoto.

No comment naman si Yamamoto sa usapin kung malaki ba ang maitutulong sa problema ng bansa ang planong pagdaragdag ng puwersa ng mga sundalong Amerikano sa Pilipinas.

Sa ngayon ay tapos na ang stage 2 ng pag-uusap ng Amerika at Pilipinas para sa pagbalangkas ng framework agreement ng increased rotational presence ng American soldiers sa bansa. (Victor Cosare / Ruth Navales, UNTV News)

Bilang ng mga turistang nagpupunta sa bansa, hindi apektado ng gulo sa Zamboanga

$
0
0
FILE PHOTO: Ang ilan sa mga kabahayang nasunog bunga ng sagupaan ng pwersa ng gobyerno at ng Misuari-Led MNLF faction sa Zamboanga City. (REUTERS / Erik Castro)

FILE PHOTO: Ang ilan sa mga kabahayang nasunog bunga ng sagupaan ng pwersa ng gobyerno at ng Misuari-Led MNLF faction sa Zamboanga City. Sa kabila ng nito ayon sa Department of Tourism, hindi umano nito naapektuhan ang pangkalahatang kalagayan ng turismo sa bansa. (REUTERS / Erik Castro)

MANILA, Philippines – Walang malaking epekto sa turismo ng bansa ang mahigit sa dalawang linggo ng kaguluhan sa Zamboanga City.

Kilala ang Zamboanga bilang isang major tourism market na dinarayo ng maraming turista dahil sa magagandang tanawin.

Ayon kay Department of Tourism (DOT) Spokesman Asec. Benito Bengzon, mayroon pa ring steady growth sa Philippine tourism industry sa kabila ng mga pangyayari sa ilang bahagi ng Mindanao.

“What’s happening in Zamboanga is only in Zambonga, and does not represent the situation in the whole of the country,” pahayag ng kalihim.

Ayon sa DOT, bagama’t naparalisa ang turismo sa siyudad at kalapit na mga probinsya bunsod ng pagsasara ng Zamboanga International Airport at travel advisories ng maraming bansa, wala itong malaking epekto sa lumalagong industriya ng turismo ng Pilipinas.

Ayon kay Bengzon, “Flights were suspended for about a week, but if you look at the tourist arrivals as a whole, the growth is steady.”

Sa ngayon ay wala pang hawak na datus ng tourist arrival ang DOT para sa kasalukuyang buwan, ngunit tiwala ang ahensiya na hindi makakaepekto ang Zamboanga siege sa overall tourist arrival.

Samantala, inihayag ng DOT na may binabalangkas na silang rocovery plan para sa turismo sa Zamboanga.

Ayon kay Bengzon, kaagad na sisimulan ang naturang plano sa sandaling matapos na ang gulo sa siyudad. (Francis Rivera / Ruth Navales, UNTV News)

Demand sa karton at paper bag, tumataas — PPMAI

$
0
0
FILE PHOTO: Isang grocery store sa America na gumagamit ng paper bags para paglagyan ng mga pinamili.  Noong March 27, 2007, pinagbotohan ng San Francisco Board of Supervisors ang pagbabawal sa paggamit ng plastic bags sa mga groceries at botika. (REUTERS)

FILE PHOTO: Isang grocery store sa America na gumagamit ng paper bags para paglagyan ng mga pinamili. Noong March 27, 2007, pinagbotohan ng San Francisco Board of Supervisors ang pagbabawal sa paggamit ng plastic bags sa mga grocery store at botika. Sa kasalukuyan, ang mga sumusunod na lugar sa Metro Manila ang nagbabawal na sa paggamit ng plastic bags: Makati, Marikina, Malabon, Taguig, Mandaluyong, Pasay, Quezon, Pasig, Muntinlupa, Las Piñas, at Pateros. Kaya naman tumataas ang pangangailangan sa mga paper bag. (REUTERS)

MANILA, Philippines — Nararamdaman na ng industriya ng papel ang pagtaas ng demand o pangangailangan sa karton at paper bag sa bansa.

Kung dati ay nasa 10-libong tonelada lamang kada taon ang nakukunsumo, ngayon ay nasa 60-libong tonelada na ito sa buong bansa.

Ayon sa Philippine Papers Manufacturers Association Inc. (PPMAI), inaasahan nilang magiging triple pa ang demand  kung ganap na maipatutupad ang plastic ban sa mga siyudad sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

“If this is implemented fully by all the major towns and cities, we are looking at around a demand of 180K tons a year of packaging paper that can replace plastics,” pahayag ni PPMAI Excutive Director Ray Geganto.

Ayon sa pag-aaral, komukonsumo ng 20 kilo ng papel ang isang Pilipino kada taon. Ilan sa mga pangunahing pinaggagamitan nito ay tissue, para sa pagkain at mga babasahin.

Bukod sa paper bag, mataas din ang demand sa packaging paper o karton na pinaglalagyan ng mga ine-export na produkto gaya ng electronics.

“As people become more educated, read more, produce goods more, paper consumption or paper demand will grow,” ani Geganto.

Sa ngayon ay nasa 24 na lamang ang paper mills sa buong bansa mula sa dating 43 noong 2001. Nagsara ang mga ito dahil hindi nakasabay sa paglago ng teknolohiya.

Ang materyales na ginagamit ng mga paper miller sa bansa ay imported o kaya naman ay recycled.

Sa nakikita ng mga miller, malaki ang potensyal ng northeastern Mindanao para pagtaniman ng mga punong magagamit sa paggawa ng papel.

“Kasi lahat ng papel ngayon gawa lang galing sa recovered waste paper. So one of the solutions pointed out in the road map is to address the supply gaps ng raw materials and that is for the country to have its own source of virgin pulp,” ani Geganto. (Rey Pelayo / Ruth Navales, UNTV News)

Mga Pilipinong nagsasabi na sila ay mahirap, umakyat sa 10.8 million

$
0
0
FILE PHOTO: Isang pansamantalang tirahan sa labas ng Makati Central Business District. Sa kabila ng mga balitang paglago ng ekonomiya ng bansa ay tumaas umano ang bilang ng mga Pilipino na nagsasabing sila ay mahirap. Ito ay base sa pinakahuling survey na isinagawa ng Social Weather Station.  (DARWIN DEE / Photoville International)

FILE PHOTO: Isang pansamantalang tirahan sa labas ng Makati Central Business District. Sa kabila ng mga balitang paglago ng ekonomiya ng bansa ay tumaas umano ang bilang ng mga Pilipino na nagsasabing sila ay mahirap. Ito ay base sa pinakahuling survey na isinagawa ng Social Weather Station. (DARWIN DEE / Photoville International)

MANILA, Philippines — Tumaas ang bilang ng mga Pilipino na nagsasabing sila ay mahirap.

Sa isinagawang survey ng Social Weather Station (SWS) sa ikatlong quarter ng taon, umakyat sa 50 porsyento o katumbas ng 10.8 million na pamilyang Pilipino ang naniniwalang sila ay mahirap.

Tumaas ito ng 400-libo mula sa survey noong Hunyo na 10.4 million.

Samantala, bumaba naman ang bilang ng mga nagsasabing nagkukulang sila sa pagkain.

Mula sa 8.5 million noong Hunyo, naging 7.9 million na lamang ito ngayong Setyembre batay sa Food Poverty Survey.

Ipinapakita umano ng survey na bagama’t maraming pamilya ang nagsasabing sila ay mahirap, marami naman dito ang may kakayahang bumili ng pagkain. (UNTV News)

Publiko, pinag-iingat sa paglipana ng pekeng pera

$
0
0
FILE PHOTO: Pagkukumpara ng P1,000 na peke sa totoo (UNTV News)

FILE PHOTO: Pagkukumpara ng P1,000 na peke sa totoo (UNTV News)

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa mga mamimili ngayong holiday season kaugnay ng kumakalat na mga pekeng pera.

Pinapayuhan ang publiko na maging mapanuri upang hindi mabiktima ng counterfeit money.

Ayon kay BSP Acting Deputy Director Grace Malic, ilan sa mga palatandaan ng pekeng perang papel ay kung malinaw ang kulay at imprenta ng pera.

Dapat ding tignan ang kalidad ng papel…. Malalaman kung peke kapag masyadong malambot ang papel.

Isa sa mga features sa 500 at 1,000 peso bill ay ang optically-variable device o OVD… Ito ay ang reflective foil na matatagpuan sa harapang bahagi ng paper bill. Nagpapalit-palit ng kulay ang OVD kapag itinagilid ng 90-degree angle.

Magaspang naman ang buhok ni Cory at Ninoy sa 500 peso bill kapag kinuskos ng kuko.

“Ang counterfeit, ang peke talaga namang wala itong value. Lugi po ang huling taong may hawak nito, kaya bago tayo maging biktima kaya lagi nating pinapaalalahanan ang mga tao na talagang ugaliing kilatisin ang pera para on the spot alam na nila,” ani Malic.

Ayon pa sa BSP, kung diskumpiyado o di kaya ay nakahawak ng pekeng pera, kaagad itong i-surrender sa Bangko Sentral o saan mang pinakamalapit na bangko.

Sinabi pa ni Malic na pwede rin itong i-surrender sa mga awtoridad.

“Pwede nila itong i-submit sa police para maging alert na, malay mo yung talagang nagbigay sa kanya ay mga suspect o counterfeiters o yung mga nakuhanan niya ay mga biktima rin.” (Ley Ann Lugod / Ruth Navales, UNTV News)

National Day of Prayer and Solidarity, itinakda sa Enero 20

$
0
0
January 20, 2014: National Day of Prayer and Solidarity (Artist impression only)

January 20, 2014: National Day of Prayer and Solidarity (Not Official Graphics. Artist impression only)

MANILA, Philippines – Hinimok ni Pangulong Benigno Aquino III ang publiko na makiisa sa National Day of Prayer and Solidarity sa darating na Lunes, Enero 20.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio “Sonny” Coloma Jr., may temang “One Nation In Prayer” ang programa na gaganapin sa Malakanyang.

Sinabi ni Coloma na ito rin ang mensahe ng Pangulo sa ginanap na Vin D’ Honneur sa Palasyo noong Biyernes.

Pangungunahan ng pangulo ang programa sa Lunes na lalahukan ng mga opisyal ng pamahalaan at iba’t ibang sektor. (UNTV News)


Selebrasyon ng ika-115 anibersaryo ng pagkakatatag ng Unang Republika ng Pilipinas, pinangunahan ni CJ Sereno

$
0
0
Ang selebrasyon ng ika-155 taon ng pagkakatatag ng Unang Republika ng Pilipinas na ginanap sa Malolos, Bulacan na pinangunahan ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno (UNTV News)

Ang selebrasyon ng ika-155 taon ng pagkakatatag ng Unang Republika ng Pilipinas na ginanap sa Malolos, Bulacan na pinangunahan ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno. (UNTV News)

MALOLOS CITY, Philippines — Pinangunahan ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang pagtaas ng watawat at pag-aalay ng bulaklak sa harap ng monumento ni General Emilio Aguinaldo kaugnay sa pagdiriwang ng ika-115 anibersaryo ng pagkakatatag ng Unang Republika ng Pilipinas sa makasaysayang Barasoain Church sa Malolos, Bulacan, ngayong Huwebes.

Kabilang sa mga dumalo sa pagdiriwang sina National Historical Commission of the Philippines Executive Director Ludovico Badoy, Bulacan Governor Wilhelmino Sy Alvarado at Malolos Mayor Christian Natividad.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Chief Justice Sereno ang kahalagahan ng pagalaala sa mga bayaning nagbuwis ng buhay upang maitatag ang Unang Republika ng Pilipinas noong Enero 23, 1899.

Ayon pa sa Punong Mahistrado, mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng Korte Suprema upang protektahan at pangalagaan ang konstitusyon ng Pilipinas.

Bahagi rin ng selebrasyon ang isinasagawang ‘Dulunsangan’ na isang patimpalak sa pagsasadula ng kasaysayan ng bansa.

Kabilang sa mga lumahok ang 18 bayan sa lungsod ng Malolos kung saan tatanggap ng tatlong daang libong piso ang mananalo. (Nestor Torres / Ruth Navales, UNTV News)

Singaporean Pres. Tony Tan Keng Yam, bumista sa bansa

$
0
0
President Benigno S. Aquino III and His Excellency Tony Tan Keng Yam, President of the Republic of Singapore, shares a light moment during the joint press statement at the Reception Hall of the Malacañan Palace for the State Visit to the Philippines of the Singapore Head of State on Thursday (April 03, 2014). This is President Tan’s first state visit to the Philippines. It is a reciprocal visit following President Aquino’s State Visit to Singapore on 9 to 11 March 2011. Singapore is the Philippines’ 4th largest trade partner in 2013, with total trade amounting to US$9.27 billion. It is also the 6th largest source of visitors to the Philippines, with 175,304 tourist arrivals in 2013. Singapore also hosts an 180,000-strong Filipino community. (Photo by Benhur Arcayan / Malacañang Photo Bureau)

President Benigno S. Aquino III and His Excellency Tony Tan Keng Yam, President of the Republic of Singapore, shares a light moment during the joint press statement at the Reception Hall of the Malacañan Palace for the State Visit to the Philippines of the Singapore Head of State on Thursday (April 03, 2014). This is President Tan’s first state visit to the Philippines. It is a reciprocal visit following President Aquino’s State Visit to Singapore on 9 to 11 March 2011. Singapore is the Philippines’ 4th largest trade partner in 2013, with total trade amounting to US$9.27 billion. It is also the 6th largest source of visitors to the Philippines, with 175,304 tourist arrivals in 2013. Singapore also hosts an 180,000-strong Filipino community. (Photo by Benhur Arcayan / Malacañang Photo Bureau)

MANILA, Philippines — Nag-courtesy call kay Pangulong Benigno Aquino III si Singaporean President Tony Tan Keng Yam nitong  Huwebes ng umaga sa Malakanyang.

Ito ay bahagi ng apat na araw na state visit ni President Yam sa bansa.

Sa pulong ng dalawang lider, natalakay ang higit pang  pagpapalakas ng ugnayan ng dalawang bansa, partikular na sa trade and investments at defense cooperation.

Pinasalamatan ni Pangulong Aquino ang Singapore dahil sa ginawa nilang pagtulong noong  manalasa ang super typhoon Yolanda.

Pahayag ng Pangulo, “Singapore was one of the first countries to reach out to the Filipino people in the wake of Typhoon Yolanda or Haiyan — and the assistance that their people is deeply appreciated. Singapore deployed a civil defense force team to assist the United Nations office for the coordination of humanitarian activities.”

Tugon naman ni President Yam, “We’re heartened that the spirit and resilience of the Philippine people remain strong in such devastation.”

Pinuri din ng Singaporean president si Pangulong Aquino dahil sa matagumpay na paglagda sa Bangsamoro Final Peace Agreement.

“I congratulated President Aquino on the conclusion of the Comprehensive Agreement on the Bangsamoro. This is a momentous accomplishment and a testament to the leadership and efforts of Pres. Aquino and his administration in brokering peace and stability for the Philippines and the region.”

Noong nakaraang taon, ang Singapore ang pangapat na pinakamalaking trade partner ng Pilipinas.

Sa darating na Sabado, inaasahan na dadalaw din si President Yam at delegasyon niya sa Tacloban City.

Ito ang kauna-unahang state visit ng Singaporean president sa bansa. (NEL MARIBOJOC / UNTV News)

 

US President Barrack Obama, nakaalis na ng bansa

$
0
0

Ang ilan sa mga pagkaway ni US President Barack Obama bago ito sumampa sa Air Force One paalis ng bansa nitong Martes, April 29, 2014. (PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines — Nakaalis na ng Pilipinas si US President Barack Obama pasado alas-onse kaninang umaga matapos ang kanyang two-day state visit.

Unang lumapag sa Balagbag Ramp ng AGES Aviation Center, Inc. sa Pasay City ang tatlong US military chopper, sinundan ng escort chopper saka lumapag ang Marine One na sinasakyan ni US President Barack Obama.

Nakapwesto rin sa tarmac ang presidential state car na “The Beast” at ilang escort vehicles.

Pagbaba ng Marine One, agad kumaway ang presidente saka naglakad sa red carpet. Sinalubong at kinamayan ito ng send off party na kinabibilangan nina Vice President Jejomar Binay, Interior and Local Government Sec. Mar Roxas, Foreign Affairs Sec. Albert Del Rosario, Philippine Ambassador to US Jose Cuisia, Major Jeffrey Delgado ng Philippine Air Force at MMDA Chairman Francis Tolentino.

Pag-akyat ng Air Force One, muling kumaway ang presidente bago pumasok sa loob ng eroplano, 11:16 ng umaga.

Eksaktong 11:29 kanina nang magtake off sa runway 06-24 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Balagbag Ramp ng AGES Aviation ang Air Force One sakay si President Obama pabalik ng Amerika.

Muling ipinatupad ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang no-fly zone tatlumpong minuto bago lumapag sa AGES Aviation ang Marine One at hanggang sa makaalis ang Air Force One.

Maging ang mga kawani ng media ay dumaan sa tatlong security inspection na isinagawa ng PSG at US Secret Service.

Ayon sa US Embassy, ang Air Force One ay tutungo muna ng Elmendorf Air Force Base sa Anchorage Alaska para sa re-fueling bago  tumulak patungong Washington DC.

Ayon kay DFA Secretary Albert Del Rosario, sandali lang ang usapan nila ni Obama at nagpasalamat ito sa kanyang pagbisita sa bansa.

 “I mention to him that we are proud and grateful for the partnership and alliance and the friendship and I wish him god speed,” anang kalihim.

Inaasahang sa susunod na taon ay babalik sa bansa si Obama upang dumalo sa APEC Summit. (Grace Casin / Ruth Navales, UNTV News)

Cold weather seen temporarily slowing U.S. economy

$
0
0

A man pushes a cart up the road while scavenging for bottles and cans during a winter nor’easter snowstorm in Lynn, Massachusetts January 2, 2014.
CREDIT: REUTERS/BRIAN SNYDER

(Reuters) – U.S. economic growth likely braked sharply in the first quarter due partly to an unusually cold and disruptive winter, but activity already appears to be bouncing back.

Gross domestic product probably grew at a 1.2 percent annual rate, according to a Reuters survey of economists, pulling back from the fourth quarter’s 2.6 percent pace.

An abrupt slowdown in export growth and a less rapid pace of restocking by businesses are expected to have added to the drag from the weather.

U.S. financial markets and Federal Reserve officials are likely to brush aside the slowdown in growth, given the temporary factors at play, and focus on recent data suggesting strength at the tail end of the quarter.

“We have effectively written off first-quarter growth performance in part due to the adverse weather conditions,” said

Millan Mulraine, deputy chief economist at TD Securities in New York. “With underlying momentum remaining favorable we continue to anticipate a meaningful rebound in the second quarter.”

The Commerce Department will release its first snapshot of first-quarter GDP at 8:30 a.m. EDT on Wednesday, just hours before the Fed wraps up a two-day policy meeting.

Fed officials, who have already dismissed the first quarter as being compromised by the weather, are expected to announce a further reduction in the amount of money they are pumping into the economy through monthly bond purchases.

“They will shrug off the report and continue to stress that the outlook is bright and thateconomy is poised to accelerate going forward,” said Thomas Costerg, a U.S. economist at Standard Chartered Bank in New York.

FEWER ORDERS AT FACTORIES

Severe weather may have chopped off as much as 1.4 percentage points from GDP growth. After aggressively restocking in the second half of 2013, businesses have been accumulating inventory at a moderate pace.

That has resulted in manufacturers receiving fewer orders.

Trade also likely undercut growth, partly because of the weather, which left goods piling up at ports.

Together, inventories and trade are forecast to slice off at least one percentage point from GDP growth.

The economy’s fundamentals, however, likely remained solid. A measure of domestic demand that strips out exports and inventories is expected to have accelerated from the fourth quarter’s tepid 1.6 percent pace.

Consumer spending, which accounts for more than two-thirds of U.S. economic activity, probably slowed from the fourth-quarter’s brisk 3.3 percent pace as freezing temperatures reduced foot traffic to shopping malls.

But demand for heating likely tempered the deceleration. Economists said the weather also likely undercut business spending on equipment, but investment in nonresidential structures, such as gas drilling, probably rebounded.

Investment in home building is expected to have contracted for a second straight quarter, in part because of the weather. But a rise in mortgage rates over the past year has also hurt.

A second quarter of contraction in spending on home building would suggest a housing recession, which could raise some eyebrows at the U.S. central bank. A bounce back is, however, expected in the April-June period.

“It’s a surprise that housing is actually a drag on GDP, but I don’t think you will see another contraction,” said Costerg.

(Reporting by Lucia Mutikani; Editing by Meredith Mazzilli)

Mga bagong disenyong plaka, inilabas na ng LTO

$
0
0
Ang demonstrasyon ni LTO Assistant Secretary Alfonso Tan Jr. ng pagkakabit ng bagong disenyong plaka sa isang pribadong sasakyan. Simula nitong Huwebes ay ito na ang ilalagay sa lahat ng mga sasakyan. (MON JOCSON / UNTV News)

Ang demonstrasyon ni LTO Assistant Secretary Alfonso Tan Jr. ng pagkakabit ng bagong disenyong plaka sa isang pribadong sasakyan. Simula nitong Huwebes ay ito na ang ilalagay sa lahat ng mga sasakyan. (MON JOCSON / UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Mga plakang may bagong disenyo na ang ikakabit sa mga sasakyan sa buong bansa, subalit ayon sa Land Transportation Office o LTO uunahin muna ang mga bagong sasakyan sa National Capital Region na nai-rehistro simula February 17 ngayong taon. Matapos nito ay saka pa lamang isusunod na isyuhan ang mga bago at lumang sasakyan sa mga probinsya.

Sa mga susunod na buwan ay tatanggap na  ang LTO ng aplikasyon para sa mga lumang sasakyan na nagnanais magkaroon ng mga bagong disenyong plaka.

Para sa mga pribadong motorsiklo at sasakyan, puting plaka na may itim na letra, sa mga pampublikong sasakyan, dilaw na plaka na may itim na letra, para naman sa diplomatic plates, puting plaka na may asul na letra.

Bawat bagong plaka ay may kasamang mga turnilyo. Naglagay din ang LTO ng instruction na nakasalin sa English at Filipino upang madali itong maintindihan.

Nitong umaga ng Huwebes ay ipinakita ng LTO kung papaano ikinakabit ang mga bagong plaka.

Katulad lamang din ito ng pagkakabit ng mga old plate, ang kaibahan lamang ay ang ginagamit na turnilyo ay kusang napuputol ang ulo kapag naikabit na ang plaka

Hindi madaling matatangal ang turnilyo, kung pilitin namang itong tanggalin ay masisira na  ang plaka

May kaukulang multa sa sinomang sadyang sisirain  ang mga newly-designed plates.

Mahigpit ding ipinagbabawal ang paglalagay ng mga plate holder na may cover na plastic, bawal din ang paggamit ng commemorative plates at maging ang pagpapatong ng plaka sa ibang plaka.

Sa ngayon ay P200 ang multa sa tampering at improper attachment ngunit pinaplano itong taasan sa isang libong piso.

Ani LTO Assistan Secretary Alfonso Tan Jr., “Hindi namin i-allow kahit yung casing covers o yung may pinapatungan sa likod kasi ma-defeat yung purpose ng lahat. In fact pag nilagyan mo ng cover mawawala na yung reflectivity of the numbers especially at night.”

Masaya naman ang ilan sa mga kababayan nating nakabitan na ng bagong plaka ang kanilang mga sasakyan
Ani Francy Tan , “Gusto ko, kasi malinis. Nagagandahan ako sa white na background.”

Ayon naman sa LTO, gagawa ng bagong sistema ang MMDA at LTFRB upang hindi na kailangan tanggalin ang mga plaka kung magpapataw ng parusa sa mga motoristang lumalabag sa batas trapiko.

Sa third quarter ngayon taon, ilalabas ang mga bagong plaka para sa mga pampublikong sasakyan.

Samantala, ngayong buwan ay matatapos na ng LTO ang mga backlog nito sa pag-iisyu ng mga plaka at inaasahan na hindi na magkakaroon ng delay sa paglalabas ng mga newly-designed plates. (MON JOCSON / UNTV News)

Mga Pilipino, dapat nang matuto sa pork barrel scam — Briones

$
0
0
Ang kilalang propesor, ekonomista at dating National Treasurer na si Ginang Leonor Briones sa pakikipanayam ng UNTV News.

Ang kilalang propesor, ekonomista at dating National Treasurer na si Ginang Leonor Briones sa pakikipanayam ng UNTV News.

MANILA, Philippines — Sa unang tingin ay tila kaguluhan at pagkakabaha-bahagi ang dala sa mga Pilipino ng pork barrel scam.

Ngunit naniniwala ang kilalang propesor at ekonomista na si Leonor Briones na ikabubuti ng bansa ang nabunyag na anomalya sa paggugol ng perang nagmumula sa kaban ng bayan.

Ayon sa kanya, umpisa ito ng tunay na pagbabago at paglilinis sa ating pamahalaan.

“Makakabuti ito sa governance kasi nakikita na ng taong-bayan kung gaano kalaganap, kung gaano kalalim ang evil na ito, ang tungkol sa pork barrel. Nakikita na nila kailangan talaga comprehensive reforms, hindi lamang na magsasabi sila na promise promise hindi na nila gagawin, ay pangkalahatang reporma na. Kasi halatang-halata saka maliwanag na maliwanag na ito ay bahagi lamang ng pangkalahatang problema ng ating gobyerno at saka sa governance.”

Bukod dito, leksyon din umano ang anomalya na dapat matutunan ng mga Pilipino lalo na pagdating sa pagpili ng mga lider na iniluluklok sa pwesto.

Aniya, “Ito ay leksyon din ng taong-bayan kasi binoto nila, pili nila itong mga ito, binili sila, binenta nila yung boto nila. Ngayon nakikita na nila na itong lahat ng mga nangyayari bumabalikwas din sa kanila kasi at the end of the day taong-bayan din ang nagbabayad, tayo  din ang nagbabayad dahil galing sa ating buwis yung pera na ninakaw.”

Ayon pa kay Briones, dapat maging batayan ng mga Pilipino sa darating na halalan sa 2016 ang leksyon ng pork barrel scam.

Babala nito, kapag hindi pa rin natuto ang mga Pilipino, posibleng tuluyan nang bumagsak ang mga institusyon ng ating pamahalaan.

“Kung hindi pa rin tayo dala at saka sila pa rin ang iboboto natin, magpapabili pa rin tayo ng boto natin, ay talagang siguro mawawalan na tayo ng pag-asa. Yun ang magbabagsak ng ating mga institusyon kung pale-paleho din ang maglalabasan. Pero ito opportunity ito na i-push ito ng citizens, i-push ito ng media na talagang linisin ang ating pamahalaan.” (Roderic Mendoza / Ruth Navales, UNTV News)

DFA: Walang napaulat na Filipino casualties sa anti-China riot sa Vietnam

$
0
0
Department of Foreign Affairs (DFA)

Department of Foreign Affairs (DFA)

MANILA, Philippines — Walang Pilipino na nasaktan o nasawi sa anti-China riot sa Vietnam.

Ayon kay DFA Spokesman Charles Jose, patuloy na nakikipag-coordinate ang embahada ng bansa sa Filipino community doon upang matiyak ang kaligtasan ng ito.

Nasa 5,500 ang mga Pilipino sa Vietnam na karamihan ay professional.

Paglilinaw ng DFA, walang travel alert sa Vietnam. (UNTV News)


171 private schools, pinahintulutang magtaas ng tuition at miscellaneous — CHED initial report

$
0
0
(UNTV News)

(UNTV News)

MANILA, Philippines — 74 private higher education institutions ang nagpasa ng kanilang letter of intent for tuition fee increase sa Metro Manila pa lamang.

Nguni’t hindi pa naisu-sumite ng National Capital Regional Office ganun din ng Region 2 at Region 12 ang kumpletong datos upang ma-finalize na ng CHED ang  bilang ng mga private higher education institution na magtataas ng kanilang matrikula at iba pang school fee ngayong academic year 2014-2015. Ito ay ayon kay CHED Chairperson Patricia B. Licuanan, PH.D.

Sa inisyal at parsyal na ulat ng CHED, 171 private higher education institutions ang nakatakda nang magtaas ng kanilang tuition at school fee sa darating na pasukan.

Katumbas ito ng 10% porsyento sa 1,683 na mga pribadong kolehiyo at universidad sa buong bansa.

Samantala, naitala rin ang pinakamataas na 15% tuition increase sa Region 4B at 26.50% school fee increase naman sa Cordillera Administrative Region.

Dagdag pa rito, wala namang private higher education institution sa Region 8 o Typhoon Yolanda-affected areas na nagpahayag ng intensyon na magtaas ng matrikula.

Sa nakalipas na linggo, 10 porsyento sa mahigit 12 libong pribadong paaralan o katumbas ng 1,299 private schools sa elementarya at sekondarya ang pinahintulutan naman ng Department of Education na magtaas ng  matrikula.

Ayon sa DepEd at CHED, 70% ng tuition at other school fee increase ng isang paaralan ay dapat na mapunta sa pagpapasahod sa mga guro, propesor at personnel samantalang ang 30% naman ay mapupunta sa improvement ng school facilities.

Para naman sa isang nagpapaaral na magulan na si Ginoong Jesus Antonio Ross, edukasyong makapagbibigay ng siguradong magandang kinabukasan ang hinahangad niya para sa kaniyang mga anak. Kaya, hindi man siya pabor, tanggap na niya na taun-taon ay magkakaroon ng pagtaas ng matrikula sa pribadong paaralang pinapasukan ng mga ito. (ROSALIE COZ, UNTV News)

 

 

DepED, humingi na ng tulong sa PNP para sa seguridad ng mga paaralan sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 2

$
0
0

Isang guro sa Commonwealth Elementary School ang nag-aayos ng kanilang silid-aralan bilang paghahanda sa pasukan. Kaugnay nito ay humingi na ng tulong sa Pambansang Pulisya ang Kagawaran ng Edukasyon para sa seguridad ng mga paaralan sa June 02, 2014. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Humingi ng tulong ang Department of Education (DepED) sa Philippine National Police (PNP) at ilang sangay ng pamahalaan upang mapangalagaan ang mga estudyante sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 2.

Sa pagdinig ng House Committee on Transportation kanina, ipinalinawag ni DepED-NCR Assistant Regional Director Ponciano Menguito na sa ngayon ay kulang sila sa mga security personnel sa ilang paaralan.

Himihingi na rin ng tulong ang DepED sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pagiinspeksyon ng mga behikulo na naghahatid at sumusundo sa mga estudyante sa paaralan gaya ng bus, van at mga tricycle.

“Our superintendent are coordinationg with the police director and police commander for a conference par sa concern like illegally park vehicles near schools and criminal elements that could post to our students,” saad ni Menguito.

Ayon naman kay PNP Executive Director for Operations, PS/Supt. Cornello Barios, maglalagay sila ng police assistance desk sa loob ng mga paaralan partiuklar sa may malaking populasyon ng mga mag-aaral.

Kasama rin sa ikinokonsidera ng PNP ay ang mabawasan ang mga kaso ng bullying sa loob at labas ng mga paaralan.

Magbabantay rin ang PNP sa mga transport terminal at sa mga pampublikong lugar kung saan sumasakay at bumababa ang mga estuyante upang maiwasan na mabiktima ng masasamang loob.

“Aside sa mga naka-uniforms, meron din kaming mga naka-civilian lalo na sa mga areas na nagsasabi na dito lagi ay may holdapan may mga nakatagala na po dyan,” pahayag pa ni Barios.

Samantala, maliban sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko, muli namang magsasagawa ng side walk clearing operation ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang alisin ang mga side walk vendor na malapit sa mga eskwelahan.

Magde-deploy rin ang MMDA ng mga anti-jay walking unit.

Ayon kay MMDA General Manager Emerson Carlos, mahigpit rin nilang ipatutupad ang no smoking policy sa mga eskwelahan gayundin ang pagbabawal sa pagbebenta ng sigarilyo, isang daang metro ang layo sa paaralan.

“We are deploying our mobile command center near schools were there are a lot of enrollees,” pahayag nito. (Grace Casin / Ruth Navales, UNTV News)

Water supply sa Metro Manila, mananatili sa normal

$
0
0

FILE PHOTO: Water meters (ROGELIO NECESITO Jr. / Photoville International)

MANILA, Philippines — Nagdesisyon na ang National Water Resources Board (NWRB) na huwag bawasan ang alokasyon ng tubig na ibinibigay sa Metro Manila.

42 cubic meter per second o mahigit labing walong milyong drum ng tubig araw-araw ang pinapakawalan sa Angat Dam upang masustinihan ang pangangailangan ng National Capital Region (NCR).

“The National Water Resources Board based on the meeting kahapon nga, decided to maintain the water allocation natin for Metro Manila,” pahayag ni Director Sevillo David Jr., NWRB.

Ngayong araw ay umabot na sa 177 meters ang antas ng tubig sa Angat Dam na bagama’t mababa ito sa critical level ay sapat pa rin umano ito upang makapag-supply ng tubig sa buong Metro Manila.

“May sufficient supply tayo para hindi naman mahirapan yung ating mga kababayan sa Metro Manila, but still we are appealing na i-practice ang conservation,” ani David.

Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang pagsasagawa ng cloud seeding sa Angat Dam.

Ayon sa Bureau of Soil and Water Management (BSWM), sinimulan noong Biyernes ng umaga ang cloud seeding. Mahigit pitong daang kilo ng asin ang ginamit sa dalawang oras na cloud seeding na nagpaulan naman sa lugar ng Angat Dam ng halos dalawang oras.

Sa kabila ng ulan, maliit na porsiyento lamang ang nadagdag sa imbak na tubig sa dam na umabot lamang ng 28 millimiter.

Nagmula sa Camp Magsaysay ang 3 fixed wing-ten seater plane na ginamit sa cloud seeding.

Aaraw-arawin na ang cloud seeding sa Angat Dam hanggang sa makumpleto ang required 60 hours na artipisyal na pagpapaulan na ginastusan ng nasa tatlong milyong piso.

Sa pagtaya NWRB, inaasahan na sa pagtatapos ng buwan ng Mayo ay bababa pa sa 176 meters ang antas ng tubig sa dam kung magpapatuloy ang
mainit na panahon. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)

Tatlong indibidwal at tatlong kumpanya, sinampahan ng tax evasion complaint ng BIR

$
0
0

FILE PHOTO : Bureau of Internal Revenue (BIR) Facade (UNTV News)

MANILA, Philippines — Patuloy ang kampanya ng Bureau of  Internal Revenue (BIR) sa mga tax evader o hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Sa ngayon ay umaabot na sa 250 ang inireklamo ng tax evasion sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng pinaigting na programa ng BIR na Run After Tax Evaders (RATE),

Kanina ay sinampahan ng BIR ng reklamong tax evasion ang anim na iba pa kabilang ang isang advertiser sa San Juan City, dalawang negosyante sa Bukidnon at Quezon City, isang snack company at isang import-export company sa Quezon City at isang contracting company sa Valenzuela City.

Sa mga inireklamo ng BIR, ang may pinakamalaking hindi nababayarang buwis ay ang Grand East Empire Corporation na may kabuoang halaga na P111.74 million sa taong 2006.

Ang Grand East Empire Corporation ay isang domestic corporation na nag-eexport at nag-iimport ng sari-saring produkto.

Pinayuhan naman ni BIR Commissioner Henares ang mga hindi pa nakapagdeklara ng income tax na agad makipag-ugnayan sa mga nakakasakop na BIR regional office upang maiwasang masampahan ng reklamo.

“It’s about time na delinquent tax payers, you should coordinate with our RDO, regional office that has jurisdiction over so you don’t come to this point because there are a lot of remedies available in the national revenue code for as long as you are entitled to it,” pahayag nito. (Rosalie Coz / Ruth Navales, UNTV News)

5.7% GDP growth, nakuha ng Pilipinas sa 1st quarter ng 2014

$
0
0

UNTV Drone Capture: Bahagi ng Guadalupe area sa Mandaluyong City kung saan kakikitaan ng mga nagtataasang mga gusali. FILE PHOTO. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Bumagal ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa first quarter ng kasalukuyang taon.

Batay sa ulat ng National Economic Development Authority (NEDA), umangat ng 5.7% ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa sa unang bahagi ng taon.

Mas mababa ito ng dalawang porsyento kumpara noong nakaraang taon na 7.7%. Mas mababa rin ito kumpara sa last quarter ng 2013 na nakapagtala ng 6.3 percent.

Sa kabila nito positibo ang pamahalaan na maaabot pa rin ng bansa ang GDP full-year growth target nito na 6.5% hanggang 7.5%.

“According to NEDA, the country remains on track to reach its full-year growth target of between 6.5% to 7.5% as the government speeds up rehabilitation, construction, and recovery projects that will rebuild assets, restore supply change, and strengthen capacity building, especially for people and communities affected by typhoon Yolanda,” pahayag ni PCOO Secretary Herminio ‘Sonny’ Coloma Jr.

Nanatili namang mataas ang gross national income at net primary income ng bansa kumpara noong nakaraang taon.

Bagama’t nawala sa posisyon ang bansa sa southeast Asia bilang best performer kumpara sa Malaysia, pumangatlo pa rin ang Pilipinas sa fastest growing economy sa Asya sumunod sa China at Malaysia.

Ayon sa NEDA, malaki ang naging kontribusyon ng services at industry sector sa kasalukuyang estado ng ekonomiya ng bansa.

Ang spending sa public construction ay tumaas ng 22.3% dahil sa ilang proyekto ng DPWH, DOTC, DOH at ARMM, ngunit bumaba naman ng 6% ang private construction.

Ayon sa NEDA, inaasahan na nito ang pagbagal ng paglago ng ekonomiya sa first quarter ng taon dahil sa mga kalamidad na narasan ng bansa partikular ang pananalasa ng Super Typhoon Yolanda sa Visayas Region.

Malaki ang naging epekto ng mga kalamidad sa sektor ng agrikultura, turismo at maging sa insurance industry. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)

Viewing all 161 articles
Browse latest View live