Quantcast
Channel: Nation – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 161

Filing ng ITR, hanggang ngayong araw na lang

$
0
0
FILE PHOTO: Isang tax payer na napa-file ng kanyang ITR o income tax return sa isang opisina ng BIR o Bureau of Internal Revenue. (UNTV News)

FILE PHOTO: Isang tax payer na napa-file ng kanyang ITR o income tax return sa isang opisina ng BIR o Bureau of Internal Revenue. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Hanggang ngayong araw na lang ng Lunes, Abril 15 ang deadline ng pagpa-file ng Income Tax Return (ITR).

Dahil dito, maagang binuksan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang kanilang mga tanggapan para sa inaasahang pagdagsa ng ating mga kababayang hahabol sa deadline ng paghahain ng ITR.

Paalala ng ahensiya, hanggang mamayang alas-5 na lang ng hapon pwedeng magbayad ng Income Tax Return at wala ng extension.

“Sorry to say po na hanggang 5 o’clock pm lang po kami, sapagkat pagkatapos po ng 5 o’clock pm ay mag-i-impose na po ang BIR ng mga penalties, katulad po ng surcharge, interest, at compromise penalties,” pahayag ni Atty. Shirley Calapatia, officer-in charge ng BIR RDO-39, South Quezon City.

Para naman mapadali ang pagpa-file ng ITR, maaaring gumamit ng interactive form na pwedeng i-download sa website na www.bir.gov.ph. Punan lamang ito ng mga kinakailangang impormasyon bago i-print at dalhin sa mga opisina ng BIR.

Samantala bukod sa inaasahang pagdagsa ng mga hahabol sa deadline, magiging mainit din ang panahon kaya’t dagdag na paalala ng BIR na magbaon ng tubig upang huwag ma-dehydrate o ma-heat stroke. (Rey Pelayo & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 161

Trending Articles