Quantcast
Channel: Nation – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 161

Nonito Donaire, talo sa laban vs Guillermo Rigondeaux via unanimous decision

$
0
0
Ang larawan na ito ay kuha mula sa isang malaking digital screen sa Radio City Hall sa New York kung saan ay nagpakawala ng isang jab si The Filipino Flash Nonito Donaire kontra sa  Cuban boxer na si  Guillermo Rigondeaux. Nagwagi si Rigondeaux sa labang ito sa pamamagitan ng isang unanimous decision. (PHOTOVILLE International / Ernesto Papas Fernandez)

Ang larawan na ito ay kuha mula sa isang malaking digital screen sa Radio City Hall, New York kung saan ay nagpakawala ng isang jab si The Filipino Flash Nonito Donaire Jr. kontra sa Cuban boxer na si Guillermo Rigondeaux. Nagwagi si Rigondeaux sa labang ito sa pamamagitan ng isang unanimous decision. (PHOTOVILLE International / Ernesto Papas Fernandez)

NEW YORK – Bigo si Nonito “The Filipino Flash” Donaire na maipagtanggol ang World Boxing Organization (WBO) super bantamweight belt laban kay Guillermo Rigondeaux sa ginanap na bakbakan sa New York City.

Tinalo si Donaire ng Cuban boxer via unanimous decision.

Matapos ang laban, sinabi ng Donaire na tumaas ang kanyang respeto para sa Cuban boxer at inaming nagkamali siya sa ginamit na istratehiya.

Bukod sa napanatili ni Rigondeaux ang kanyang World Boxing Association (WBA) super bantamweight championship belt, hawak na rin niya ang WBO super bantamweight belt ni Donaire.

Una nang kinilala bilang “2012 Fighter of the Year” ng Boxing Writers Association of America ang Pinoy boxer matapos talunin sina Wilfredo Vasquez Jr., Jeffrey Mathebula, Toshiaki Nishioka at Jorge Arce. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 161

Trending Articles