MANILA, Philippines — Idineklara ni Pangulong Benigno Aquino III ang May 13 na mismong araw ng eleksyon na isang non-working holiday.
Ayon sa Proclamation No. 571 na inilabas ng Malakanyang, layon nito ma-exercise ng mga Pilipino ang kanilang karapatan sa pagboto.
Nanawagan naman ang malakanyang na gamitin ang araw na ito sa kanilang pagboto.
“We enjoin all eligible to use this non-working holiday to participate in the electoral process that forms the bedrock of our democracy,” ani Presidential Spokesperson Edwin Lacierda. (UNTV News)