
Ang ilan sa mga kababayan nating nag-kakampo sa labas ng Philippine Embassy sa Jeddah, Saudi Arabia. (UNTV News – Middle East Bureau)
MANILA, Philippines – Aminado ang Department of Foreign Affairs (DFA) na matatagalan pa bago mapauwi ang lahat ng mga undocumented overseas Filipino worker (OFW) sa Jeddah, Saudi Arabia.
Ayon sa DFA, partikular dito ang mga OFW na tumakas sa kanilang mga pinagtatrabahuhan at may kinakaharap na kaso ng paglabag sa Saudi immigration laws.
Hanggang sa kasalukuyan hinihintay pa ng DFA ang tugon ng Saudi government sa kanilang apela na mapabilis ang pagpapauwi sa mga OFWs na karamihan ay naninirahan sa Tent City sa Jeddah.
Bago makalabas ng Saudi Arabia, kailangan ng isang OFW ang “No Objection Certificate” (NOC) mula sa kanilang employer para ma-isyuhan ng exit visa. (UNTV News)