
FILE PHOTO: Mass Rail Transit (PHOTOVILLE International)
MANILA, Philippines – Nag-abiso na ang pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT) na suspendido ang mga biyahe sa darating na long holiday.
Ayon sa pamunuan ng MRT, sasamantalahin nila ang mahabang bakasyon para linisin at kumpunihin ang depektibong pasilidad ng MRT.
Simula sa Huwebes (Marso 28) hanggang Linggo (Marso 31), kanselado ang lahat ng biyahe ng tren ng MRT.
Nauna nang ipinahayag ng LRTA na wala rin itong biyahe sa darating na long holiday.
Balik-operasyon naman ang MRT at LRT sa Abril 1 (Lunes). (Ley Ann Lugod & Ruth Navales, UNTV News)