Quantcast
Channel: Nation – UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 161

BFP, nag-inspeksyon sa mga dormitoryo sa Maynila bilang paghahanda sa pasukan sa Lunes

$
0
0

Supt. James Ramirez habang iniinspeksyon ang isa sa mga dormitoryo sa U-belt bilang paghahanda sa darating na pasukan (UNTV News)

MANILA, Philippines — Ininspeksyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) Manila district ang ilang dormitoryo sa university belt sa Maynila  bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng klase kaninang umaga.

Kabilang sa mga inspeksyon ang St. Claire dormitory at Monchere dormitory.

Ayon sa BFP, mahalagang suriing mabuti ang mga dormitoryo upang makasigurong ligtas itong tirhan.

Payo ng BFP sa mga nagpaplanong tumira sa mga  dormitoryo na siguruhing mayroong permit to operate at fire safety inspection certificate ang mga may-ari.

Dapat ding tiyakin na mayroong mga fire extinguisher at fire exit sakaling magkaroon ng sunog.

Hindi rin dapat na nakakandado ang mga bintana upang mabilis na makalabas ang mga estudyante mula sa kanilang mga kwarto kung may emergency.

Mahalaga din na magkaroon ng mga fire alarm system upang agad na malaman ng mga estudyante sakaling may nagaganap na sunog.

Importante rin na mayroong mga water sprinkler na panlaban sa sunog.

Ang ibang dormitory ay mayroong nakatalagang mga security guard at CCTV upang ma-monitor ang buong paligid ng dormitoryo.

Samantala, ang iba naman ay mayroon ng mga evacuation plan, upang malaman ng mga estudyante ang gagawin sakaling magkaroon ng untoward incident.

Dapat din na may emergency lights ang bawat dormitoryo bilang alternatibong ilaw kapag brown out.

Ayon sa BFP, ang alinmang dormitoryo na hindi makasusunod sa itinakdang standard ay maaring i-report sa kanilang tanggapan upang mabigyan ito ng notice to comply.

Kapag may nakikita tayong violations sa mga establishments, ‘wag magatubili na lumapit sa aming tanggapan o isumbong sa aming opisina. Itawag lang,  para mapuntahan at ma-check namin yung violation. Sakaling hindi pa rin makasunod sa standard ang mga may-ari ay maari na ito isyuhan  ng closure order ”, pahayag ni Supt. James Ramirez.

Dagdag pa nito,Meron tayong certain grace period sa mga certain violations. Very specific yun. Kapag di nakapag-comply sa grace period na yun, bibigyan natin sila ng fine. After ng fine kapag di pa rin nagcomply ire-recommend natin sila for closure”. (Joan Nano/UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 161

Trending Articles